Balikatan sa Bicol

Maayos na namumuhay ang Bicol bilang isang rehiyon ng bansang Pilipinas, sa kabila ng pagiging mahirap nito patuloy itong bumabangon sa usaping pang ekonomiya upang mas maiangat ang pamumuhay ng bawat Bicolano.  Taong 1999  nabasa sa mga pahayagan, narinig sa mga radyo at napanood sa telebisyon  ang pagpapatupad ng isang overnight deal ng Pinas at estados unidos na tinawag na VFA(visiting forces agreement)na mariing tinutulan ng lahat ng sektor ng komunidad, lalo na sa Bicol na isa sa mga lugar na maaring isagawa ang US military exercises, ngunit ang bagay na ito ay mariing tinutulan ng ibat-ibang sektor ng lipunan sa Bicol,bagay na nagbaliktanaw sa isip ng bawat indibidwal na ang muling pagpasok ng mga Amerikano sa ating bansa ay maaring magdulot muli ng isa na namang suliranin na hindi magawan ng solusyon, isa dito ay ang patuloy na pagkalat ng krudo sa subic dulot ng iniwang base militar ng mga kano, nakararaang taon na ang nakalipas. Dahil sa mga kaliwa’t kanan na pagtutol, binago ang mukha ng VFA sa ilalim ng pangalang “BALIKATAN” na umano’y mas pinalawak ang sakop at sa ilalim ng programang “infra projects, medical and dental  missions, livelihood opportunities” at iba pa., bagay na ginawa nga sa ibat-ibang kapuluan ng ating bansa, kasabay nito ang pagpapaputok ng mga high powered ammunitions na hindi man lang isinaalangalang ang panganib na maaring idulot nito sa mga tao, ang pangamba noon ng mga progresibong sektor ay magaganap na sa Bicol  ngayong Abril, panganib na masa ang magiging biktima, masa ang magiging sacrificial lamb sa ilalim ng relasyon pinas at estados unidos…ang tanong ng masang bicolano!

1. Bakit Irosin, Matnog, Juban at Bulan ang mauuna sa Balikatan exercises?…dahil ba sa dito mas maraming insurgency cases na gawa umano ng mga NPA?

2. Hindi kaya ito ay magdulot ng mas malawak na HUman Rights violations sa lugar?

3. Ang mga infra projects, medical at dental mission, livelihood projects ba ay totoo o maskara lamang upang patuloy na i-surveillance ang mga progresibo na hinihinalaang miyembro ng NPA sa lugar.

4. Paano mabibigyan ng ating pamahalaan ng proteksyon ang mga mamamayan sa bicol sa mga nakaambang human rights violations.

5. Ang BALIKATAN ba ang magbibigay ng malawak na opurtunidad sa Bicol sa usaping pang ekonomiya o ito ang hihila lalo sa pagkakalugmok ng naghihingalong Region 5.

Kayo na po ang maghusga sa mga susunod na araw bago at pagkatapos ng BALIKATAN sa Bicol.

Hanggang sa susunod nating talakayan….

Leave a comment

Filed under Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s